HINDI ba nagawa pang magpasasa ng dalawang empleyado matapos mabisto ang modus kung saan pinalabas na naholdap sa Quezon City ang mahigit P200,000 perang pangremit sa Philhealth ng pinapasukang kumpanya.
Ang resulta – kulong sina Rosauro Imson at Abel Yabut, kapwa namamasukan sa kumpanyang Ikey Local Agency Corp na nakabase sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Police District – Kamuning Police Station chief Lt. Col. Robert Amoranto, dakong ala 1:00 ng hapon nang utusan ng biktimang si Trisha Sios-e sina Imcon at Yabuy ipalit sa bangko ang tsekeng nagkakahalaga ng P213,684.39 na di umano’y nakalaan pambayad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Matapos ang tatlong oras, bumalik si Yabuy ang sinabing naholdap sila matapos ipalit ang tseke sa bangko – bagay na hindi kinagat ng biktimang agad na humingi ng tulong sa lokal na pulisya.
Sa pagresponde ng QCPD – Kamuning Police Station, agad na nasakote sa Barangay South Triangle ng nasabing lungsod si Yabut na agad naman umamin at itinuro ang kanyang kasamang aniya’y may hawak ng pera.
Kapwa nahaharap sa kasong Qualified Theft sina Rosauro at Yabut na kasalukuyang nakapiit sa QCPD custodial facility.