Ni Lily Reyes
TINANGGAL sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Redrico Maranan ang tatlong pulis kabilang ang isang opisyal na umano”y nag-upload ng crime scene video ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Ayon kay Gen. Maranan, ang mga sinibak sa pwesto ay sina P/Lt. Colonel Reynante Parlade, Station Commander ng QCPD Police Station 11 at ang dalawang tauhan nito na sina PSMS. Wilfredo Calinao at si PCpl. Romel Rosales.
Inalis din sa kanilang departamento ang tatlong sibilyan na nakita rin umano na nag-post sa FaceBook sa naturang insidente.
Sa kumalat na video ay nakita si Ronaldo na duguang nakaupo at may hawak na baril sa kanyang unit sa Casa Nueva Homes, Manga Street, New Manila, Quezon City, na may tama ng bala sa kanan at kaliwang templo. Pinuna rin ng talent manager ni Valdez na si Jamela Santos ang na-upload na video ng crime scene sa kanyang facebook account.
“Stop this!!! May kaibigan ba ako from NBI? Please help”!!!, sabi nito na ang tinutukoy ay ang National Bureau of Investigation (NBI). “Why can people be so cruel!! I can’t beleive!!! Ano, para maka-scoop kayo??? Para mag-trending kayo???” sabi ni Jamile’.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Privacy act at Admninistrative case ang dalawang pulis habang si Parlade naman ay kakasuhan ng command responsibility.
Kasalukuyang nasa holding center ng QCPD ang tatlong pulis na tinanggal sa puwesto. Samantala, labis na ikinalulungkot ng buong Lungsod Quezon ang pagkamatay ng magaling at beteranong aktor na si Valdez. Mariin ding kinokondena ng lokal na pamahalaan ang pagkalat ng video na kuha sa loob ng bahay nang beteranong aktor.
“This is a breach of privacy and basic human decency against the individual and his bereaved family. I am directing QC Police District Director PBGen. Redrico Maranan to conduct an investigation against all police personnel involved at the scene with corresponding sanctions to those at fault. A thorough review of all protocols in conducting emergency response and investigation should be conducted, with respect to the rights of all parties in a case,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.
“To our QCitizens, we sincerely beseech you to refrain from sharing the said video. Let us respect the privacy and dignity of the late actor and his family in this time of intense grief. It is highly distasteful for anyone to use the sad and unfortunate demise of an individual to gain social media mileage and popularity,” apela pa ng alkalde.