SINUSPINDE ng mga nagwewelgang tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep ang dapat sana’y tatlong-araw na tigil-pasadang protesta sa anila’y pagbabalewala ng pamahalaan sa kanilang mga hinaing.
Katwiran ng grupong Manibela, banta ng bagyong Egay.
Sa isang Facebook post, inihayag ng Manibela ang suspensyon ng naturang transport strike na sinimulan nitong Lunes, Hulyo 24, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Anila, higit na matimbang ang kapakanan ng sa pasahero sa gitna ng posibleng epekto ng super typhoon Egay sa mga commuters.
Tiniyak naman ng grupo na muli nilang ipagpapatuloy ang tigil-pasada kung mananatiling bingi sa kanilang dulog ang gobyerno.
Sa unang araw pa lang ng tigil-pasada, nagpatutsada ang pamahalaan – anila, wa epek ang tigil-pasada dahil sa pag-atras ng pitong malalaking transport groups na sumama sa welga.