
Murder in broad daylight – the body of Eric Estrada, an alleged drug pusher lies along a busy street at Mayombo in Dagupan City morning early Thursday. Initial reports say unidentified assailants riding in a motorcycle shot Estrada in broad daylight. Six (6) empty bullet shells of still unknown caliber were recovered at the crime scene. Police said Estrada was listed in the BADAC drug watch list. October 6, 2016 / PHOTO/JOJO RIÑOZA/MB
Ni LILY REYES
ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong notoryus na gun runner na di umano’y bumaril at nakapatay sa isang barangay tanod at sa isa pang sibilyang nanita sa ingay ng kanilang videoke sa Barangay Sauyo noong Martes ng gabi.
Ayon kay QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan, timbog sa ikinasang follow-up operation ang mga suspek na kinilalang sina Ricardo Caspillo Lucas Jr. ng Nueva Ecija; Ernie Carlin Tambaoan, at Jenny Joy Roldan na kapwa nadakip sa loob ng isang apartelle sa Barangay Payatas sa Quezon City.
Positibo namang kinilala ang mga kaanak ng 57-anyos na tanod na si Cornelio Nuval Jr. at Pelagio Cabaddu ang ng mga suspek na bumaril sa mga biktima.
Bukod kina Nuval at Cabaddu, hagip din ng bala ang isa pang tanod na si Ambrosio Bradecina na nananatiling kritikal ang kondisyon sa East Aveneue Medical Center.
Sa report ni Sgt. Nido Gevero, nag-ugat ang pamamaril matapos sitahin ng mga tanod ang mga suspek dahil sa ingay ng videoke gayung dis-oras na ng gabi. Nauwi sa pagtatalo hanggang sa paputukan ng mga suspek ang mga tanod at nadamay ang isang sibilyan na si Cabaddu.
Batay sa record, ng pulisya, lumalabas na may mga nakabinbing kaso ng murder, homicide at iligal na droga ang isa sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang Armscor caliber .45 pistol kasama ang dalawang magazine na kargado ng pitong bala at isang Colt MK IV pistol kasama ang dalawang magazine.