TUMATAGINTING na P1.26-milyong halaga ng droga ang kumpiskado sa mga pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Caloocan kamakailan.
Swak sa buy-bust operation na ikinasa ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District ang isang high value target na nakilala sa pangalang Jericho de Guzman. Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 100 gramo ng shabu na katumbas ng P680,000 sa merkado.
Ayon kay DDEU chief Major Dennis Odtuhan, dakong alas 10:30 ng gabi nang dakpin ng mga operatiba sa pangunguna ni Senior Master Sergeant Michael Tagubilin ang suspek na huli sa aktong pag-aabot ng droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer ng ilegal na kontrabando.
Timbog din sa operasyon kontra droga sa pangunguna Major Amor Cerillo ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si Mark Anthony Tan, residente ng Gagalangin Tondo.
Ayon kay SDEU chief Col. Ruben Lacuesta, narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 35 gramo ng hinihinalang shabu (katumbas ng P238,000) at ang marked money na ginamit sa transaksyon.
Selda rin ang kinahantungan ng isang isang babae matapos makunan ng mahigit P300,000 halaga ng shabu sa bahagi ng Tala sa North Caloocan.
Kinilala ang suspek na si Obinay Kaironisa, 45 anyos at nakatira sa Barangay 188 ng naturang lungsod.
Nahaharap ang mga arestadong suspek ng paglabag ng Republic Act 9161 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).