
HINDI kailangan maging tanyag para maging pilantropo, ayon sa isang prominenteng senador kasabay ng pagkilala sa grupong Freemasons na nakabase sa Pilipinas.
Kasabay ng panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales ng Dr. Filemon C. Aguilar (Las Piñas) Lodge No. 332 of the Most Worshipful Grand Lodge of the Free and Accepted Masons of the Philippines, hinikayat ni Sen. Cynthia Villar ang samahan na ipagpatuloy ang pagsusulong ng kabutihan, kawanggawa, katarungan at pagbibigay ng pag-asa sa mga maralitang mamamayan sa mga liblib na pamayanan.
“Throughout the centuries, Freemasons remain a significant and robust institution. Its membership was estimated to be around six million worldwide now,” ani Villar.
“It is not a secret society, but described as “a social and philanthropic organization meant to make its members lead more virtuous and socially oriented lives,” dagdag pa ng senador kasabay ng giit na naaayon ang ‘Most Worshipful Grand Lodge of the Free and Accepted Masons of the Philippines sa kategorya ng mga pilantropo.
Aniya pa, nalulugod siyang makadaupang-palad ang mga mason brothers ng kanyang ama, ang yumaong Mayor-Dr. Filemon Aguilar.
Kabilang ang Freemasonry sa pinakamatagal na fraternal organization sa buong mundo. Nagsimula ang naturang grupo sa Europa ng noong ika-15 siglo bilang samahan ng mga ‘skilled builders’ sa likod ng mga nakakamanghang gothic architecture sa Europa.