APAT na miyembro ng pamilya ang namatay sa sunog ng sumiklab sa Taguig City, madaling araw ng Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Kinilala ang mga biktima na sina Emelita, 47, Al Nassar, 47, Hanna, 13, at Janna, lahat ay may apelyidong Entuna.
Sinabi ni Fire Senior Inspector Demetrio Sablan Jr. na ang apoy ay nasimula sa bahay ng mga biktima sa Gumamela street, Barangay Western Bicutan bandang alas 3:54 ng madaling araw.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog na tumagal ng isang oras. Nasa P200,000 ang halaga ng pinsala.