
NAKALAYA na ang drag artist na si Pura Luka Vega matapos pahintulutan ng korte ang motion for bail nito.
Ito ang ibinahagi ng kanilang “Drag Den Philippines” batchmate, NAIA Black, sa X o dating Twitter na ibinahagi rin ni director Rod Singh.
“Inaresto ang drag queen noong Miyerkules dahil sa reklamo na inihain ng religious group laban sa nag-viral na pagtatanggal ng “Ama Namin”
Kasunod nito naghain sila ng motion for bail kasama ang kahilingan na bawasan ang bail bond na P72,000.
Ang kaso ng drag queen ay inihain ng mga deboto ng Hijos del Nazareno dahil sa paglabag sa Revised Penal Code Article 201, na nagpapataw ng parusa para sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows.”