
HINDI bababa sa P900-milyon ang kabuuang halaga ng 44 luxury cars na kinumpiska ng Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service sa isang operasyon sa Taguig City.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang pagsalakay ng mga operatiba sa isang bodegang pinaniniwalaang bagsakan ng mga smuggled cars sa kahabaan ng Levi Mariano Street, Barangay Ususan sa nasabing lungsod.
Ayon kay Rubio, mas paigtingin pa ng kawanihan ang kampanya laban sa car smuggling matapos magpositibo ang operasyon sa Parañaque, Pasay at Makati.
Garantiya ng BOC chief, mananagot alinsunod sa umiiral na batas ang mga sindikato sa likod smuggling na nagdudulot umano ng bilyon-bilyong pagkalugi ng pamahalaan.