
Courtesy: NCRPO
Ni Lily Reyes
ARESTADO ang pito katao na pinaniniwalaang mga illegal recruiter sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang travel agency na nakakuha sa kanila ng P43 milyon kamalawa ng umaga sa nasabing lungsod.
Nakilala ang mga nadakip na sina Aida Agpas, 43; Mae Angeline Miranda,30; Liezel Calantos, 30;Marc Devin Cachero, 23; Vivian Puzon, 37 at Edelyn Gines, 28 na pawang mga agent at Alexander Natividad na hepe ng document processing habang pinaghahanap sina Pearly Sanchez at Elizeus Bautista Buztrah na may mga alyas Enrico Romualdez at Zues Alfaye. Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Police Station 15, bandang ala 10 nang umaga nitong Lunes nang dumulog sa kanilang tanggapan ang nasa 177 na biktima ng illegal recruitment ng mga suspek. Ayon kay QCPD-Police Station 15 chief, PLtCol Richard Mepania, itinuturo ng mga biktima ang mga suspek na tauhan at ahente ng Jewel Travel Documentation Service na may office address sa 4C Fort Santiago Street, Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Quezon City.
Konektado rin ang mga ito sa EBB Documentation and Travel Services at CL Romano Documentation and travel Services. Ayon kay Alfredo Villanueva, Jr. tumatayong lider ng mga complainants, nag apply sila sa mga nasabinig travel agency upang makapagtrabaho sa Canada, New Zealand at Poland. Dito ay pinangakuan sila ng mga suspek na makakaalis agad ng bansa at makapagtatrabaho kung makakabayad ng tig P200,000.00 hanggang P300,000.00. Nabatid na umaabot sa P43 milyon ang nakuha ng mga suspek mula sa mga complainants. Subalit sa tagal ng paghihintay, bineripika ng mga biktima ang mga naturang travel agency at lumitaw na bogus.
Bunsod nito tinungo ng mga awtoridad ang Jewel Travel and Documentation Services at mabilis na hinuli ang anim.
Kinumpiska ng mga awtoridad ang isang Toyota Hi Ace plate number AAQ 4526; certification mula Quezon City Business Permits and Licensing Departme;P100,000.00; mga resibo mula sa nasabing mga travel agency; mga Passports, PSA Birth Certificates, NBI Clearance, Transcript of Record at iba pang mga requirements. Nahaharap ang anim sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act at RA 10022 illegal recruitment.