WALANG ‘missing in action’(MIA) sa oras ng kalamidad at emergency sa inyong lokalidad.
Ito ang mahigpit na tagubilin ni Interior Secretary Benhur Abalos sa mga lokal na chief executive upang matiyak ang ligtas at maayos na maisagawa ang pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang panawagan ay matapos ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Tacloban City noong Huwebes upang inspeksiyunin ang malawakang pagbaha kung saan lubog na ang ilang komunidad sa anim na rehiyon.
Ang Eastern Visayas ang matinding napinsala sa mga walang patid na pag-ulan.
Sinabi ni Abalos na ang pisikal napresensiya ng mga mayor ay mahalaga sa ganitong sitwasyon dahil inaasahan ang kanilang pag-utos at paglutos sa mga problemang makakaharap.
“This is enshrined in the [Department of the Interior and Local Government’s (DILG’S)] Operation L!sto (the agency’s disaster preparedness manual for local government units). Local chief executives must be present before, during and after any disaster. We should comply with it to ensure the safety of our constituents,” sabi ni Abalos.
Hindi binanggit ni Abalos ang mga opisyal na hindi maaasahan sa oras ng pangangailangan ng kanilang nasasakupan.