YUMAO na si dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Pancratius Cascolan, Biyernes ng hapon, ayon sa kanyang anak. Siya ay 59 anyos.
Si Cascolan, kilala rin sa tawag na ‘Pikoy’ sa pamilya at malalapit na kaibigan ay sumakabilang buhay kapiling ang mga mahal sa buhay.
Hindi ibinunyag ang dahilan ng pagkamatay ni Cascolan.
“My dad dedicated his life to serving and protecting our country as a man of service for 42 years. We will forever remember his unwavering dedication to his duty, his selflessness, and his love for his family,” ayon kay Jiro sa Facebook page.
Naging maikli lamang ang pamumuno ni Cascolan sa PNP sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Naitalaga ito bilang ika-24 na PNP chief noong Setyembre 1, 2020 hanggang magretiro noong Nobyembre 10, 2020. Si Cascolan ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sinagtala” Class of 1986.