Courtesy: Baritan Volunteer Facebook page
Ni LILY REYES
PATAY na nang matagpuan mag-asawang senior citizen sa kasamang nasunog ng pagmamay-aring tahanan sa Cubao, Quezon City.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktimang sina Jose Arsenio Ong, 80-anyos at 78-taong gulang na asawang si Elizabeth, residente ng 88 Stanford Street, Barangay E. Rodriguez.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang kasambahay na kinilala sa pangalang Marilyn Mante Pandita, na namataang papatakas bitbit ang maleta – dahilan para isailalim sa kustodiya ang kasambahay habang gumugulong ng imbestigasyon sa nangyaring insidente.
Habang nasa kustodiya ng barangay, tumakas di umano si Pandita na nagpaalam na gagamit ng banyo sa ikalawang palapag ng barangay hall. Mula sa ikalawang palapag, lumundag ang kasambahay – tagpong nakunan ng CCTV ng barangay.
Mabilis naman siyang natunton ng mga tanod habang naglalakad na walang sapin sa paa patungo sa sakayan.
Dinala ang kasambahay sa pinangyarihan ng sunog para sa imbestigasyon ng BFP. Gayunpaman, nanindigan ang kasambahay na wala siyang ginawang masama – “Kahit ano pa gawin niyo sa akin, wala akong ginagawang masama, hindi ko kaya yun,” saad ng kasambahay.
