DIKIT-DIKIT na kamalasan na ang dumadapo sa kontrobersyal na gambling lord matapos ibasura ng husgado ang limang asunto na isinampa ni Atong Ang laban sa mga dating tauhan.
Sa resolusyon ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office, walang nakitang sapat na dahilan para isakdal sina Julie Patidongan alyas “Totoy” at Allan Bantiles alyas “Brown”.
Partikular na ibinasura ng piskalya ang kasong robbery with violence against intimidation of persons, grave threats, grave coercion, slander at cyber libel na inihain ni Ang bunsod ng kawalan ng detalye at sapat na ebidensya.
Wala pang pahayag ang kampo ni Ang kaugnay ng naging desisyon ng piskalya.
Nag-ugat ang reklamo sa umano’y alegasyon ng sabwatan sa pagitan nina Patidongan at Bantiles para kikilan ng P300 milyon ang negosyanteng pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay ng hindi bababa sa 100 missing sabungeros. (EDWIN MORENO)
