MATAPOS ang malawakang pagbaha bunsod ng mga super bagyong tumama sa National Capital Region (NCR), umabot na sa nakakabahalang antas bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng dengue sa sa Metro Manila.
Ayon kay Mary Grace Labayen ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, pumalo na sa 24,232 dengue cases ang naitala sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang Oktubre 26.
Kumpara aniya sa 18,020 dengue cases na naitala sa parehong taon ng nakalipas na taon, mas mataas ng 34.47 porsyento ang bilang ng mga nagpositibo sa dengue sa unang 10 buwan ng 2024.
Pinakamarami aniya ang naitala sa Quezon City kung saan 25.62 percent ng kabuuang bilang ng kumpirmadong dengue case ang mula sa naturang lungsod.
Karamihan pa sa mga kaso ng dengue ay mga bata na may edad lima hanggang siyam na taong gulang.
