TARGET ng lokal na pulisya ang isang heneral na nahuli cam sa panunutok ng baril sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Mandaluyong City Police Station ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente ng panunutok ng lalaking nagpakilalang heneral sa isang nakaalitang motorista.
Ang dahilan — alitan sa parking area.
Sa video na kumalat sa social media, sapul ng camera ang pagmumura at panunutok ng baril ng hindi pinangalanang heneral sa driver na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Ayon sa Mandaluyong City Police Office, tukoy na ang pagkakakilanlan ng nagpakilalang heneral. Gayunpaman, hindi na nagbigay pa ng detalye sa mga mamamahayag habang patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
“In the meantime, the Mandaluyong City Police asks the public for calm, cooperation, and responsible action. During disputes, everyone is urged to de-escalate and settle conflicts peacefully through respectful communication, or by seeking help from barangay officials or the police—never through threats or weapon displays,” pahayag ng Mandaluyong City Police Station.
