PARA kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, walang lugar sa lungsod ang mga bulilyasong opisyales ng Bureau of Fire Protection na nangangasiwa sa QC Fire Department.
Panawagan ni Belmonte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) — sibakin ang pamunuan ng QC Fire Department bunsod ng kabiguang maglunsad ng imbestigasyon sa tunay na sanhi ng sunog noong Agosto 31 sa Pleasant View Subdivision, Tandang Sora kung saan 15 katao ang nasawi.
Partikular na tinukoy ng alkalde sina
BFP-QCFD Fire Marshall Senior Superintendent Aristotle Bañaga, at ang hepe ng QCFD Fire Prevention Branch na nagsasagawa ng inspeksyon na si Chief Inspector Dominic Salvacion.
Ayon kay Belmonte, nabigo ang BFP na suklian ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng transparency sa mga ginawang pagsisiyasat.
Batay aniya sa sariling imbestigasyon ng pamahalaang lungsod — katuwang ang konseho, lumalabas na nagkaroon ng kaluwagan sa mga ginawang inspeksyon, kakulangan sa pagsusuri sa mga negosyo, at iba pang butas sa imbestigasyon ng BFP-QCFD.
“The BFP has failed to reciprocate the city government’s efforts to exercise transparency. They resisted our calls to be apprised of the progress of their own probe, or to our requests for coordination. We therefore ask the BFP to cooperate fully with the city government as mandated by law, to ensure full transparency and clarity in these investigations. Our people demand more, and the victims and their families deserve nothing less,” giit ni Belmonte.
“The city government continues to thoroughly investigate the devastating fire of August 31. It has coordinated with and interviewed its departments, the barangay, the homeowners association, the relatives of the victims, and the survivors, to ascertain the circumstances that brought about this tragedy. We will leave no stone unturned, and we will not spare even our own officials and personnel,” dagdag pa ng alkalde.
Sa pagsusuri na isinagawa ng pamahalaang lungsod sa bawat insidente ng sunog na naganap ngayong taon, lumalabas na mas maraming pinsala, at pagkamatay ang naitala ngayong taon kumpara sa nakaraang 2022.