HINDI lang 11 infrastructure projects sa lungsod ng Taguig ang target imbestigahan ng Office of the Ombudsman.
Ang batayan ng Ombudsman — mga dokumentong isinumite ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa reclamation projects sa baybaying bahagi ng Laguna de Bay.
Nakapaloob sa mga nasabing dokumento ang detalyadong ulat sa reclamation na ikinubli sa tawag na “slope protection.”
Sa kabuuan, umabot na sa 42 proyekto sa baluarte ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang sinisilip ng Ombudsman.
Una nang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson ang mga ghost projects na dalawang beses pang binayaran ng pamahalaan.
Samantala, itinanggi na ni Cayetano ang mga alegasyon ni Lacson.
