DEAD on the spot ang 34-anyos na lalaking malapitang pinaulanan ng bala ng ‘riding-in-tandem’ kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang biktimang kinilalang si Alvin Tasara Alejo, 34, residente ng Brgy. Payatas A, Quezon City.
Sa report ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13 ng Quezon City Police District (QCPD), ang insidente ay naganap bandang alas 2: 30 ng hapon (Pebrero 2) sa may Everlasting St., Brgy. Payatas A, ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt Mark Philip Paule, gumilid sa kalsada ang biktima para ayusin ang minamenohong motorsiklo
Dito na biglang sumulpot ang mga salaring lulan rin ng isa pang motorsiklo — at sunod-sunod na pinaputukan ang biktimang agad na binawian ng buhay.
Mabilis na tumakas ang riding-in-tandem patungong Jasmin St., Brgy. Payatas sakay ng kanilang get- away vehicle.
Sa imbestigasyon, lumalabas na dati ng nadawit sa droga ang biktima.