
ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang 42-anyos na lalaki matapos i-hostage ang limang miyembro ng pamilyang kapitbahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Batay sa paunang ulat ng QCPD Holy Spirit Police Station, dakong alas 10:30 ng gabi nang biglang pasukin ng 42-anyos na kapitbahay na kinilala lang sa pangalang Quilala ang bahay ng mga biktimang kinabibilangan ng isang 75-anyos na lolo, anak na si Caloy., Rowena, Maribel at dalawang taong gulang na batang babae.
Armado ng jungle bolo, tinangka pa umano tagain ng suspek sina Caloy at Maribela na mabilis nakaiwas at nakapuslit palabas ng bahay para tumawag ng saklolo. Dito na naalarma ang suspek na tumakas kasama ang si Carlos Sr. at ang babaeng apo gamit ang owner-type jeep na pag-aari ng pamilyang binihag.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Holy Spirit Police Station sa pangunguna ni Police Captain Honey Besas. Sakay ng mobile patrol, hinabol ang jeep na sinasakyan ng suspek at ng mga hostage.
Kinalaunan, nakorner ang jeep at naaresto ang suspek sa kanto ng Quezon Avenue at Elliptical Road ng naturang lungsod>
Nahaharap sa 3 counts of attempted murder, grave threats, malicious mischief. disobedience/resistance to agent of person in authority at alarms and scandals ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa QCPD holding facility. (LILY REYES)