Ni LILY REYES ASAHAN ang mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng nakatakdang pagsasara ng southbound lane ng Kamuning Flyover sa kahabaan ng EDSA sa bahaging sakop ng Quezon City. Sa kalatas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakatakdang isara ang EDSA-Kamuning flyover South bound sa Abril 25 upang bigyang-daan ang pagkukumpuni ng naturang istraktura. Gayunpaman, nilinaw ng MMDA na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Public Works and Highways (DPWH), PNP Highway Patrol Group, Quezon City government at pamunuan ng mga apektadong barangay para sa alternate route na pwedeng gamitin ng mga motorista. Nahahati sa dalawang phase ang proyekto. Sa Phase One na tatagal ng tatlong buwan, mananatiling bukas ang bus lane bagamat sarado ang private lane. Sa Phase Two, sarado ang bus lane habang bukas ang private lane. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation MARCOS: MAS MALAWAK, MAS MAHABANG EDSA BUS LANE CAGAYAN, DAIG NG NCR SA DAMI NG INTSIK NA MAY STUDENT VISA