PANSAMANTALANG nakikisilong sa covered court ng isang pampublikong paaralan ang nasa 700 pamilya matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Barangay Alabang sa lungsod ng Muntinlupa.
Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na nagsimula dakong alas 5:00 ng umaga kanina, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). wala naman naitalang nasawi o nasaktan sa sunog na naapula pagkatapos ng limang oras.
Ayon kay Muntinlupa City Fire Marshal Supt. Rowena Gollod, mabilis na kumalat ang sunog sa isang residential area kung saan anikya pawang gawa sa light materials ang mga bahay.
Pag-amin ng BFP, hindi naging madali ang pag-apula sa sunog bunsod ng pagbuga ng malakas na hangin, na pinalala pa ng kawalan ng fire hydrant at santambak na sasakyang nnakaparada sa kahabaan ng mga kalsada patungo sa naturang lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang sanhi ng sunog, habang nananatili naman sa covered court Alabang Elementary School ang mga apektadong pamilya.
