SA paniwalang maitatago sa mga exclusive residential subdivision ang operasyon ng scam farm, pitong banyaga ang arestado sa pagsalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawang paupahang bahay sa lungsod ng Muntinlupa.
Sa walong inarestado, pito ang Chinese nationals, ayon sa mga operatibang inatasan tuntunin ang mga nalalabing illegal POGO hubs sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kumpiskado sa operasyon ang mga makabagong gadgets na di umano’y ginagaming sa panloloko sa bisa ng internet.
“Feeling ng mga foreign nationals in illegal activities na safer sila in gated communities, clandestine, but because we have vigilant neighbors there is no safe place for them anymore,” pahayag ni Atty. Mico Clavano na tumatayong tagapagsalita ng Department of Justice.
Sa unang bahay na sinalakay, tatlong Chinese nationals ang inaresto. Apat na iba pang dayuhan — kabilang ang isang Vietnamese ang silat sumunod na operasyon hindi kalayuan sa unang bahay na pinasok.
Ayon kay Clavano, malaking bentahe ang impormasyon mula sa mga residente ng hindi tinukoy na exclusive subdivision kung saan nadakip ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI habang ikinakasa ang mga isasampang kaso sa piskalya.
Buwan ng Hulyo nang tuluyang ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the National Address ang POGO operation sa buong bansa.
