SA kabila ng saganing ani, pumalo sa P230 kada kilo ang bentahan sa merkado, ayon sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture.
Ang dahilan – hindi naman maitawid ng mga magsasaka ang mga kamatis mula sa taniman sa mga lalawigan ng Cagayan Valley at Central Luzon bunsod ng mga pinsala sa daan dulot ng mga nagdaang bagyo.
Sa pagtataya ng DA, tumaas ng P60 kada kilo ang antas ng bentahan ng kamatis sa mga pamilihan bayan kumpara sa P170 na naitala noong nakalipas na linggo.
Sinisi naman ni Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) general manager Gilbert Cumila ang mga namamakyaw sa pagtaas ng presyo.
“The buyers are competing by offering higher prices just to get vegetables since they know they can still sell in Metro Manila at even higher prices,” ani Cumila.
Based sa monitoring ng DA, maging ang iba pang gulay sa pamilihan nagtaas na rin ng presyo kabilang ang ampalaya na binebenta ngayon sa Metro Manila sa halagang P140 per kilo, sitaw P130 per kilo, pechay tagalog P100 per kilo, kalabasa P60 per kilo, talong P120 per kilo, repolyo P180 per kilo, carrots P200 per kilo, bitsuelas P220 per kilo, patatas P160 per kilo, pechay Baguio P170 per kilo, sayote P130 per kilo, sili P600 per kilo at luya P150 per kilo.