
SA kabila ng matinding init na sinalitan pa ng buhos ng ulan, matagumpay na nagdaos ng taunang Lechon Festival ang mga negosyante at residente ng La Loma, Quezon City.
Ayon sa mga dumalo sa taunang paradang nagsimula mahigit dalawang dekada na ang nakalipas, literal na bumaha ng lechon na karaniwang simbolo ng magarbong handaan sa tuwing nagdiriwang ng okasyon.
“The Lechon Festival was launched more than 10 years ago as a promotional effort and as a celebration of the main source of our livelihood,” ayon sa isang retiradong titser na matiyagang nag-abang sa mga naglalakihang lechon na bumida sa parada.
Bukod sa lechon, kapansin-pansin rin ang pagbabalik sigla ng okasyon kung saan lumibot ang mga magarbong floats, street dancing, tagisan ng mga banda, at lehon reinvention cook-off sa pagdiriwang na idinaraos sa tuwing ikatlong Linggo ng Mayo.
Sa isang panayam, nagpahayag ng positibong pananaw ang isang ‘lechonero’ na kabilang sa mga nalugmok ang kabuhayan bunsod ng tigil operasyon noong kasagsagan ng pandemya.
Nagsisimula na rin anilang dumami ang nagsasadya sa La Loma para sa kanilang katakam-takam ng timpla sa bida ng mga handaan.
Pagtiyak ng mga lechonero, walang pagtaas ng presyo ng lechon dahil hindi naman mataas ang demand ng kanilang paninda, maliban na lang kung tuwing pista at papalapit na Pasko.
Higit na kilala ang lechon bilang simbolo ng kasaganahan at tagumpay.
an excellent website. I will always come here. thank you so much.
bookmarked!!, I love your web site