ISA ang nasaktan makaraang tupukin ng apoy ang makasaysayang gusali ng Manila Post Office sa tapat ng Plaza Lawton sa lungsod ng Maynila.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang 43-anyos na fire volunteer na nakilala sa pangalang Toto Roslin.
Wala naman naitalang namatay sa sunog na sumiklab dakong alas 11:40 Linggo ng gabi. Umabot na sa general alarm – pinakamataas na antas ng alarma – ang sunog na patuloy na naglalagablab habang sinusulat ang balita.