PLANO umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF) ang 80 proyektong imprastratura sa bansa.
Ayon sa pahayag ni Marcos sa Philippine Economic Briefing sa Ritz-Carlton Hotel “In addition, we look forward to the operationalization of the Maharlika Investment Fund, the country’s first ever sovereign investment fund. It will serve as an additional source and mode of financing for priority projects of the government, including the infrastructure flagship. These projects offer high returns and significant social economic impact.”
Sa kasalukuyan ay mayroon na umanong 80 potensiyal na proyekto kung saan gagamitin ang pondo ng MIF sa pagpapatayo nito.
Tinuran pa ng Pangulo na ang MIF ay magsisilbi bilang karagdagang “mode of financing” para sa mga proyekto ng gobyerno.