NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PARA kay Senador Ronald dela Rosa, higit na angkop isulong ang ekonomiya ng Mindanao sa bisa ng dagdag alokasyon para sa Mindanao Development Authority (MinDA) at kasabay ng hirit sa patuloy na budget support sa Southern Philippines Development Authority (SPDA).
Ayon kay dela Rosa, malaking bentahe sa katimugang bahagi ng bansa kung may sapat na pondo ang mga ahensyang naatasan para tutukan ang socio-economic progress ng mga lalawigan sa tinawag niyang “major island in the south.”
Sa pagpupursige ng Mindanaoan lawmaker na tumatayong chairman ng finance subcommittee, dinagdagan ng P67 million ang budget ng MinDA para matustusan ang mga ikinasang programa at proyekto para sa kaunlaran ng probinsyang hitik sa potensyal.
Ang nasabing P67 million budget increase ay gagamitin aniya para sa MinDA Digitalization Innovations Program, gayundin sa implementasyon ng Mindanao River Basin Program, at ng tinatawag na Strengthening of the Indigenous Peoples in Mindanao Program Year 2.
Ayon kay dela Rosa, kinakailangan ang patuloy na pagsasaliksik para sa Mindanao River Basin Program na sumasaklaw sa walong daluyan ng tubig sa loob ng island region na tahanan ng hindi bababa sa 4.5 milyong katao.
Higit na angkop anang senador na pagyamanin ang tahanan ng pinakamalaking wetland ecosystem sa bansa.
Upang mas maging maayos ang pagpapatupad ng iba’t-ibang development programs, sinabi ni Dela Rosa na ang MinDa ay nagkaroon ng memorandum of cooperation sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“BARMM sits in the MinDA board as one of its board members. MinDA entered into a memorandum of cooperation with the BARMM Development and Planning Authority (BPDA). MinDA designated a focal person for the BARMM and BPDA is provided with an office in MinDA for their use when they’re in Mindanao,” paglalahad pa ni dela Rosa.
Nabatid na sa para sa susunod na taon, inaprubahan ng senado ang P334.515 million budget para sa MinDA sa ilalim ng bersyon nito ng General Appropriations Bill (GAB).
Samantala, dinepensahan din ni dela Rosa ang P80.29 million budgetary support para SPDA — isang government-owned and controlled corporation na ang mandato ay isulong ang katimugan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng business projects na corporate at economic in nature sa iba’t-ibang sektor gaya ng agriculture, power, infrastructure, energy, land development, at iba pa.
Dahil wala naman aniyang source of income, hindi na umano kumikita ang Marawi Resort Hotel Inc., na subsidiary ng SPDA.
Sa pagtalakay ng Senado para sa proposed 2025 national budget, ang SPDA ay umani ng papuri dahil sa naging investments nito partikular sa abaca production, poultry, fish pond estate projects, at pineapple fiber project.
“In fact last weekend, I was their guest of honor in their inauguration of their poultry farm in my home province in Sulop, Davao del Sur. So hindi po nasayang ang ating pondo na nilalagay sa ating [national budget]. They are really working hard to alleviate the living standards of mga tao sa laylayan (people who are at the bottom).”
