GANAP nang naibuslo ng San Miguel Group ang P170 bilyong kontrata para sa rehabilitasyon at operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa susunod na 15 taon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, napili ang SMC SAP & Company Consortium batay sa alok na revenue sharing scheme ng iba pang naglalakihang kumpanyang lumahok sa bidding ng proyekto.
Sa rekord ng Department of Transportation (DOTr) tumataginting na 82.16 revenue share ang alok sa pamahalaan ng consortium na binubuo ng San Miguel Holdings Corp., RLW Aviation Development Inc. at RMM Asian Logistics Inc., at Incheon International Airport Corp.
Inaasahan naman na pipirmahan ang kontrata sa susunod na buwan kasabay ng pagbabayad ng consortium ng P30 bilyong upfront cost sa gobyerno.
Sa datos ng bids and awards committee, nag-alok ng 25.91 percent revenue share ang Manila International Airport Consortium habang 33.3 percent naman ang hirit ng GMR Airports International BV.
Samantala, tiniyak ng SMC SAP & Company Consortium na wala silang planong magsibak ng mga empleyado.
