NAKATAKDANG mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na linggo ng cash assistance sa mga sari-sari store owners na apektado sa implementasyon ng price ceiling sa bigas.
Ayon sa Office of the President, mamamahagi ang DSWD ng tulong pinansiyal sa mga sari-sari store owners mula Setyembre 25 hanggang 29 base na rin sa koordinasyon ng DTI upang kilalanin ang mga benepisaryo.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang implementasyon ng mandato na P41.00 price ceiling sa regular milled rice at P45.00 price cap sa well-milled sa pamamagitan ng Executive Order No. 39.
Sa pinakahuling report ng DSWD, sinabi na nakapagpalabas na ang P92.415 milyong financial aid sa 6,161 mula sa 8,390 target na micro and small rice retailers na apektado ng implementasyon ng EO 39 sa buong bansa.
