
NAUNGUSAN na ng Pilipinas ang China bilang nangungunang rice importer, ayon sa pinakahuling report ng US Department of Agriculture (USDA) habang hindi na magkandaugaga ang bansa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng bigas.
Sa report ng “Grain: World Markets and Trade” report, tinataya na ang total rice importation ng Pilipinas sa taong 2022-2023 trade year ay pumapalo na sa 3.9 million metric tons kumpara sa 3.5 million metric tons ng China.
Sa pagtataya naman sa taong 2023-2024 marketing period, papalo na umano sa 3.8 million metric tons ang aangkatin ng Pilipinas kumpara sa China na 3.5 million metric tons, ayon pa sa report.
Sa kabila umano ito ng hindi muna pagbili ng bigas dahil sa mataas na presyo sa pandaigdigang merkado.
“In 2008, top importer the Philippines continuously bought larger volumes as prices escalated; this year, it is delaying purchases, awaiting lower prices,” ayon sa USDA report.
Nangunguna ang India bilang rice importer ngunit nagulantang ang mundo nang magpasiya itong ipatupad ang export ban sa milled white rice.
Ang ikalawa at ikatlong supplier ay Thailand and Vietnam.