DALAWANG aktibista – kabilang ang isang lider-katutubo, ang dinukot di umano ng hindi pa natukoy na grupo sa bayan ng Taytay, sa lalawigan ng Rizal.
Sa kalatas ng Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), kinilala ang mga biktimang sina Gene Roz Jamil de Jesus at Dexter Capuyan na miyembro ng katutubong Ibaloi.
Panawagan ng pamilya ng mga biktima sa pamahalaan, ilabas sina De Jesus at Capuyan na huling nakita sa bayan ng Taytay noong Abril 28.
Humingi na rin ng tulong ang CHRA sa publiko – “We are calling on the public to reach out if they have information on the whereabouts of indigenous peoples rights defender Gene Roz Jamil De Jesus and Bontoc-Ibaloi-Kankanaey Dexter Capuyan.”
Batay sa impormasyon ng CHRA, si De Jesus ay ang tumatayong information and networking officer ng Philippine Task Force on Defending Rights of Indigenous People, habang si Capuyan na nakabase sa La Trinidad, Benguet ay nagtungo lamang umano sa Taytay para magpagamot.
“Gene was last seen in Taytay, Rizal with a companion, and the last communication with him was cut off at 7:56 p.m.,” ayon sa pinag-isang pahayag ng mga pamilya ng biktima.
Bago ang insidente, pinaratangan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Capuyan na isang “communist terrorist group personality.”
Karagdagang Balita
TALUNANG PARTYLIST SOLON, CITY MAYOR NA NGAYON
POGO SA CEBU BISTADO, CHINESE BOSS KALABOSO
LANDSLIDE PRONE: BARANGAY SA ALBAY, NO MAN’S LAND