HALOS hindi na makilala ang labi ng tatlo katao – kabilang ang dalawang senior citizen – matapos tupukin ng apoy ang kanilang tahanan sa bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nakabase sa naturang bayan, dakong alas 3:00 ng umaga nang matagpuan sa naabong bahay sa Barangay San Jose ang katawan nina Reinero Basco, 79-anyos; asawang si Alegria, 78-anyos at ang kanilang apo na si Hephaesto Clark Basco, 20-taong gulang.
Sa imbestigasyon, bandang alas 2:30 ng madaling araw nang mapansin ng mga kapitbahay ang naglalagablab na bahay ng pamilya Basco, hudyat para agad na tumawag ng saklolo mula sa mga lokal na bumbero.
Pagkatapos ng kalahating oras, naapula ang sunog.
Wala naman ibang bahay na nadamay sa insidenteng pinaniniwalaang sanhi ng palyadong linya ng kuryente.
Karagdagang Balita
TALUNANG PARTYLIST SOLON, CITY MAYOR NA NGAYON
POGO SA CEBU BISTADO, CHINESE BOSS KALABOSO
LANDSLIDE PRONE: BARANGAY SA ALBAY, NO MAN’S LAND