DALAWANG smuggled na luxury vehicles na itinago bilang gamit na truck replacement parts ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs — Port of Cagayan de Oro at BOC Intelligence Group (IG), sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental, noong Disyembre 15.
Ika-12 ng Disyembre nang idaong sa Pilipinas anng kontrabandong nagmula pa sa bansang. Sa pagsusuri, lumalabas na nakapangalan sa kumpanyang M. Aguila Car Trading. ang tangkang pagpuslit ng dalawang sasakyan, kabilang ang isang sports car na Porsche.
Batay sa nakalap na dokumento, deklaradong 1,045 piraso ng truck replacement parts ang kargamentong kalaunan ay nabistong naglalaman ng mga mamahaling sasakyan.
Sa pagtataya ng ahensya, pumapalo sa P30-milyon ang kabuuang halaga ng kumpiskadong sasakyan.
Agad iniutos ni acting District Collector Alexandra Lumontad ang alert order para sa lubos na imbestigasyon.
Nag-isyu na rin ng warrant of seizure and detention sa shipment sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.