UMAABOT sa P17 milyong halaga ng smuggle na sigarilyo ang nasabay ng awtoridad sa Sultan Kudarat, South Cotabato.
Inihayag ng Bureau of Customs na isinagawa ang operasyon noong December 3 kasunod nh intelligence reports ukol sa illegal trade ng sigarilyo sa lugar.
Sa nasabing operasyon, naharang ng BOC-Port of Davao at ng Naval Forces Eastern Mindanao ang isang motorbanca kung saan nadiskubre ang kabuuang 454 master cases, o 22,700 reams, ng iba’t ibang sigarilyong aabot sa P17,025,500 ang halaga.
Naiturn-over na ang anim na indibidwal na nangangasiwa sa vessel sa Naval Intelligence Security Group para sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Kasalukuyang nakatago ang mga sigarilyo at ang motorbanca sa isang warehouse habang hindi pa gumugulong ang legal proceedings para seizure at forfeiture.