
HINDI bababa sa P300-milyong halaga ng mga smuggled na asukal ang sinamsam sa magkakahiwalay na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Col. Ranie P. Hachuela na tumatayong officer-in-charge ng CIDG, ang mga operasyon ay tugon sa hamon ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III laban sa smuggling at iba pang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng agricultural products.
Paliwanag ni Hachuela, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na batas ang “hoarding” na aniya’y lumilikha ng artificial shortage” na humahantong sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
“Illegal storing of agricultural products, including sugar regardless of quantity, is considered economic sabotage, thus, against the law,” ayon kay Hachuela.
Nakatakda naman sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016) ang may-ari ng nabistong kontrabando. (EDWIN MORENO)