MONTALBAN, Rizal – Sa halip sa pera, malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng tatlong high-value target na nagtangkang magbenta ng droga sa isang operatiba kamakailan.
Kinilala ni Montalban police chief Lt. Col. Rosell Encarnacion ang mga arestadong suspek na sina Mark Arnibal alyas Baton, Christian Cano alyas Bunso at Charlene Añis alyas Babes na pawang pasok sa talaan ng mga pinaniniwalaang big-time drug dealers.
Sa paunang imbestigasyon ni Ssg Paul Joseph Cruz, dakong 4:30 ng hapon ng masakote sa drugs operation ang tatlong tulak na nakuhanan ng 18 pakete ng shabu na may tinatayang halagang P1.2-milyon, isang kalibre .45, bala, timbangan, at dalawang motorsiklong ginagamit umano ng grupo sa ilegal na transaksyon.
Nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang mga suspek.