November 11, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

4 LALAWIGAN, POSITIBO SA RED TIDE

NI LILY REYES

INALERTO ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga lokal na pamahaan matapos magpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) ang mga laman-dagat mula sa karagatang sakop ng apat na lalawigan.

Kabilang sa mga tinukoy na lugar na may banta ng red tide ang mga bayan ng Daquis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Babala ng BFAR, hindi ligtas na kanin ang mga laman-dagat na mula sa mga nabanggit na lokalidad.

Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na hindi kasama ang isda, pusit, hipon at alimango sa mga nagpositibo sa red tide an anila’ lubrang peligroso sa kalusugan ng mga tao.

Para makatiyak, hinikayat ng BFAR ang mga konsyumer na tiyakin sariwa ang mga binibiling isda, pusit, hipon at alimango sa mga pamilihan kasabay ng payong hugasan maigi at tanggalin ang mga laman-loob tulad ng hasang at bituka bago lutuin.