MATAPOS ang dalawang dikit na ambush sa Mindanao, Luzon naman ang gininbal ng pananambang kung saan anim katao ang namatay – kabilang ang Vice Mayor ng Aparri sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa paunang ulat ng pulisya, dakong alas 8:45 ng umaga nang putukan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang Hyundai Starex van na sinasakyan ni Vice Mayor Rommel Alameda sa Sitio Kinacao, Barangay Beretbet sa bayan ng Bagabag, lalawigan ng Nueva Ecija.
Ayon sa mga saksi, pawang nakauniporme ng PNP ang mga salaring sakay ng isang puting Mitsubishi Adventure na may plakang SFN-713.
Sa imbestigasyon, lumalabas na sadyang inabangan si Alameda sa harap ng Duque Elementary School kung saan di umano naglagay ng barikada ang mga salarin para tiyaking hihinto ang van kung saan lulan ang Vice Mayor.
Dead on the spot si Alameda at limang kasamang hindi pa pinangalanan ng pulisya habang sinusulat ang balita.
Pagkatapos pananambang, tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Solano.