MATAPOS ang pananambang kamakailan kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong, sinuspinde ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin ang lahat ng permit to carry sa tatlong lalawigan sa Mindanao.
Katwiran ni Azurin, hangad ng PNP na pahupain ang tensyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)..
“Actually we are suspending the Permit to Carry Firearms on the following areas, Maguindanao, Lanao del Sur, and then the 63 barangays ng North Cotabato which are under the BARMM,” ani Azurin.
Paliwanag ng PNP chief, malaking tulong sa para hindi na lumala ang sitwasyon kung wala muna pahihintulutan magdala ng baril sa mga naturang lalawigan.
Kabilang rin aniya sa nakikitang motibo sa likod ng pananambang na ikinasawi ng apat na police escorts at pagkasugat nina Adiong at staff nitong si Ali Macapado Tabao.
Dakong alas 4:00 ng hapon nitong nakaraang Biyernes nang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang dalawang sasakyan ni Adiong at ang convoy lulan ang mga police escorts sa masukal na daan sa Barangay West Poblacion.
Naganap ang pananambang isang araw matapos isailalim sa heightened alert ng PNP ang tatlong lalawigang sakop ng BARMM.
Kinilala ang mga nasawing pulis na sina Staff Sgt. Mohammad Jurai Mipanga Adiong, Cpl. Johanie Lawi Sumandar, Cpl. Jalil Ampuan Cosain, at isang alyas Kobi na nagmamaneho ng sasakyan ng gobernador.