SA halip na magarang kotse, kasilyas ng selda ang lilinisin ng isang 25-anyos na Ilonggo matapos dakpin ng pulisya kaugnay ng paggamit ng bandila ng Pilipinas bilang kumot ng kanyang nakagaraheng sasakyan.
Sa ulat ng Iloilo Provincial Police Office, kasong paglabag ng mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 8491 (Flag and Heraldic Code of the Philippines) ang suspek na kinilalang si Jared Serrano ng Mandurriao, Iloilo.
Depensa ng suspek, hindi siya kundi ang isa pang indibidwal ang nagtakip ng kanyang sasakyan gamit ang bandila ng Pilipinas bilang car cover.
Sa ilalim ng Republic Act 8491, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng pambansang bandila maliban sa pagwawagayway – “The flag must not be used as a “drapery, festoon, tablecloth, or as covering for ceilings, walls, statues, or other objects.”
Pasok din sa naturang batas ang kalakip ng parusang pagkabilanggo sa mga lalabag.