SA halip na bumida sa paaralan, sa ospital muna manunuluyan ang anim na estudyante matapos mabagsakan ng canopy ng entablado habang nag-eensayo ng sayaw sa Peñaranda Park, sa lalawigan ng Albay.
Sa ulat ng lokal na pulisya, dakong alas 5:50 ng hapon — sa gitna ng malakas na ulan – nang tuluyang bumigay ang bubong sa isang bahagi ng liwasan kung saan nagpa-praktis ng sayaw ang nasa 40 estudyante.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, hindi na kinaya ng bubong ang malakas na buhos ng ulan.
Sa anim na nasaktan, isa ang malubhang nasugatan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang tunay na dahilan sa nangyaring insidente. (EDWIN MORENO)
