MATAPOS masalanta bunsod ng sabayang epekto ng matinding init ng panahon at epekto ng El Niño, niyanig naman ng lindol ang Caraga region.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 4.5 magnitude na pag-uga ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng hilagang silangan ng naturang rehiyon dakong alas 5:00 ng umaga kanina.
Sa pagtataya ng Phivolcs, paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa ang dahilan ng lindol na may lalim na 10 kilometro.
Namataan naman ang sentro ng lindol sa layong 50 km sa hilagang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur.
Ramdam din ang pagyanig ng lupa sa mga bayan ng Bislig at Tandag sa Surigao del Sur.
Wala naman naitalang nasawi, nasaktan at pinsala sa imprastraktura ang insidente.
