
ISANG dating sundalo at isang radio broadcaster ang arestado umano’y pagbebenta unlicensed firearms sa Tagum City, ayon sa ulat nitong Lunes.
Huli sa akto ang mga suspect na sina Patrick Anjo at Norel Moraleja, alyas Andrebon Obrero ng 99.9 RPFM.
Sinabi ng Tagum City Police at ng Davao Provincial Mobile Force Company na naaresto ang mga suspect habang nagbebenta ng hindi lisensiyadong .45 kalibre isang undercover operative.
Inihayag ng Tagum police na tiniktikan nila ang dalawa matapos makatanggap ng impormasyon na ilegal na nagbebenta ng armas ang mga suspect.
Nasamsam mula sa kanila ang tatlong .45 caliber pistols na ibinebenta ng mga suspect sa presyong tig-P16,000.
Ayon kay Police Staff Sergeant Reynaldo Florentino, dalawa sa nasabing baril ang walang rekord habang paso na ang lisensya ng ang isa pa.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung mayroon nang nakaraang transaksyon ang mga suspect.