NANAWAGAN ang Department of Health sa mga residente ng anim na lalawigan na umiwas sa pagkain ng mga lamang-dagat bunsod ng nakamamatay na red tide.
“All types of shellfish (mussels, oysters, clams, etc.) and alamang (Acetes sp.) gathered in coastal waters in six provinces are not safe to eat due to paralytic shellfish poison or toxic red tide,” saad ng DOH sa isang pahayag.
Ayon sa DOH, hindi dapat ipagwalang-bahala ang resulta ng pagsusuring ginawa ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung saan kabilang sa mga tinukoy na apektado ng red tide ang karagatang sakop ng Milagros sa Masbate, bayan ng Dauis at lungsod ng Tagbilaran sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, San Pedro Bay sa Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar at San Benito sa Surigao del Norte.
Gayunpaman, nilinaw ng DOH na ligtas pa rin naman umano kainin ang mga isda, pusit, hipon (huwag lang ang ulo), at alimasag sa kondisyong sariwa at tinanggalan ng laman-loob.
Mungkahi ng kagawaran sa publiko, agad na magtungo sa pagamutan sa loob ng 12 oras sa sandaling makaranas ng mga sintomas tulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.
“These include numbness around the mouth or face, dizziness, pricking sensation and/or paralysis of hands and feet, body weakness, rapid pulse, difficulty talking, swallowing or breathing and headache,” pagtatapos ng DOH.
