
Courtesy: Bfp Atimonan Quezon
SUGATAN ang driver at dalawa nitong pahinante nang mahulog sa bangin ang 10-wheeler truck na minamaneho nito sa Atimonan, Quezon.
Sinabi ng Atimonan Municipal Police Station, bandang alas-6 ng umaga nang maganap ang insidente sa sa New Diversion Road, Malinao Ilaya, ng naturang bayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, may kargang mga grocery goods ang truck at patungong Bicol habang binabaybay ang pababang bahagi ng highway nang bigla na lamang nawalan ng preno hanggang sa nahulog ang mga ito sa bangin.
Nagtulong-tulong naman ang mga pulis at lokal na pamahalaan ng Atimonan para iligtas ang tatlo na nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan.
Pinaalalahanan ng pulisya ang mga motorista na mag-ingat sa naturang lugar dahil accident-prone area ito.