MATAPOS ang pagsambulat isang linggo ang nakalipas, nananatili ang banta sa buhay at kaligtasan ng mga residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Phivolcs, muling nagtala ng pagbuga ng abo ang bulkan ngayong araw, Marso 21. Naganap ang ash emission mula 5:58 ng madaling-araw hanggang 9:02 ng umaga.
Sa datos ng ahensya, tumagal mula 43 hanggang 184 minuto ang bawat pagbuga ng abong umabot sa taas 500 metro sa direksyon ng timog kanluran.
Nananatili sa ilalim ng Alert Level 2 ang Kanlaon.
