MATAPOS masangkot sa maanomalyang flood control projects sa lalawigan, muling bumida si Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera matapos pasukin ng mga operatiba ang kanyang bahay kung saan umano may mga nakaimbak na armas.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ni Rivera subalit walang inabot na armas.
Kabilang si Rivera sa walong kongresistang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman kaugnay ng “kickback” sa mga infrastructure projects mula taong 2016 hanggang 2024.
Sa loob ng compound kung saan naroon ang tanggapan ng 3G Construction and Development Corporation na pag-ari ng mambabatas, tumamad din ang isang “mini golf course” at multi-purpose hall.
Sa isang pahayag, nilinaw ni Rivera na walang nakuhang anumang armas ang mga operatiba sa kanyang compound — “Wala nga siang nakuhang baril base sa search warrant sila sa akin.”
Ibinahagi rin ng mambabatas ang pagdulog sa korte hinggil sa naturang pagsalakay sa kanyang bahay.
Kabilang ang 3G Construction and Development Corporation sa mga kumpanyang inimbestigahan ng Independent Commission for Infrastructure kaugnay ng flood control scandal.
“Nasa ICI na iyan, nasa Ombudsman, haharapin natin iyan,” anang mambabatas.
Nang tanungin kung sa kanilang mag-asawa ang naturang kumpanya — “Matagal na iyon,” sagot ng Tarlac solon.
