
DINAIG ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Rizal ang sahod ng Pangulo ng Pilipinas, sa bisa ng P35,000 arawang ganansya mula sa isang pinaniniwalaang gambling lord na nasa likod ng mga ilegal na pasugalan sa naturang lalawigan.
Partikular na tinukoy ng impormante ng Saksi Pinas ang gambling operator sa pangalang John Yap, na di umano’y utak ng sindikato sa likod ng jueteng, lotteng, bookies, EZ2, at iba pang sugal-lupa sa 14 na lokalidad ng Rizal.
Batay sa Salary Standardization Law na nilagdaan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte noong Enero ng taong 2019, lumalabas na meron lang P411,382 hanggang P423,723 buwanang sahod ang Presidente ng bansa – malayo sa P1.05 milyong ganansya kada buwan para lang sa naturang opisyal ng pulisya.
Kwento ng impormante, isang alyas Rudy Boy di umano ang inatasan ni Yap na makipag-ugnayan sa mga ‘kinauukulan’ sa upang maiwasan ang aberya sa operasyon ng sindikato.
Kabilang naman aniya sa mga galamay ni Rudy Boy sina alyas Bonso ng Baras, alyas Bate sa Tanay, Pinky at Allan sa bayan ng Taytay.
.