
ANG pasyalang karaniwang dinarayo sa tuwing panahon ng tag-init, bawal munang puntahan, ayon sa Amed Forced of the Philippines (AFP).
Sa kalatas ng hukbong sandatahan, partikular na tinukoy ang bantog na Wawa Dam sa Barangay San Rafael sa bayan ng Montalban na anila’y patuloy na ginagalugad ng mga sundalo ng pamahalaan.
Ayon sa AFP Marso 31 nang makasagupa ng mga sundalo sa Sitio Ligas ang mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA).
Bukod sa Barangay San Rafael, bantay-sarado na rin sa mga sundalo ang mga barangay ng Puray, Mascap at Macabud na posible anilang pinagtataguan ng mga armadong komunista.
Pag-amin ng lokal na pamahalaan ng Montalban, isang sundalo ang nasugatan sa palitan ng putok ng mga sundalo at mga tinaguriang terorista ng makabagong panahon.